Southbound lane ng Mindanao Avenue, pansamantalang isasara simula bukas para sa konstruksyon ng Metro Manila Subway Project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Abiso sa mga motorista, simula bukas, September 7, pansamantalang isasara ang Southbound lane ng Mindanao Avenue mula Congressional Avenue hanggang Tandang Sora Avenue.

Ito ay upang bigyang-daan ang konstruksyon ng Tandang Sora Station ng Metro Manila Subway Project.

Ayon sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), maaaring makaranas ng pagbagal ng daloy ng trapiko ang mga motorista sa nasabing lugar.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang masikip na trapiko.

Para sa mga light vehicle, maaaring gamitin ang bagong tayong 4-lane diversion road upang maibsan ang mabigat na trapiko dulot ng pagsasara ng Southbound lane ng Mindanao Avenue.

Humihingi ng paumanhin at pang-unawa ang DOTr sa mga maaabala ng gagawing konstruksyon. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us