SP Chiz Escudero sa Kamara at sa OVP: Itigil na ang bangayan at sundin na lang ang budget-making process

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Senate President Chiz Escudero na mareresolba na ang impasse sa pagitan ng Office of the Vice President (OVP) at ng Kamara kaugnay ng deliberasyon ng panukalang 2025 budget ng OVP.

Nanawagasn si Escudero sa magkabilang kampo na itigil na ang bangayan, isantabi ang pagkakaiba at sundin na lang ang proseso ng budget making.

Giit ng senate leader, ang Kongreso pa rin ang may kapangyarihan at mandato na magdesisyon tungkol sa usaping ito sa pamamagitan ng boto ng mga miyembro ng kapulungan.

Hindi aniya nakakatulong ang mga dramang ganito sa pagresolba ng problemang kinakaharap ng mga Pilipino at ng buong bansa ngayon.

Bagamat posible aniyang gawin ng Kongreso ang zero-budget para sa OVP ay hindi pa ito nangyayari sa kasaysayan ng anumang ahensya ng gobyerno sa recent history.

Naniniwala rin si Escudero, na hangad pa rin ng bise presidente na mapondohan ang mga programa at proyekto na ipinanukala ng kanilang tanggapan para sa susunod na taon. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us