Nanawagan si Senate President Chiz Escudero sa Philippine Hhealth Insurance Corporation (PhilHealth) na muling pag-aralan ang depinisyon ng ‘indigent’ pagdating sa health requirements para sa mga Pilipino.
Paliwanag kasi ni Escudero, pagdating sa usapin ng kalusugan ay iba ang nagiging kahulugan ng pagiging ‘indigent.’
Aniya, sinumang may sakit o may mahal sa buhay na nakakaranas ng cancer, heart, kidney o lung disease ay maikokonsiderang indigent.
Sinabi ng Senate President na kahit pa kumikita ng 28,000; 68,000 o halos 100,000 pesos kada buwan ang isang indibidwal ay hindi pa rin sapat ang pera nito sa araw-araw na gastos para sa pagkain, gamit, at iba pang bills.
Minungkahi rin ni Escudero na dapat ikonsidera ng PhilHealth ang laki ng kontribusyon ng isang miyembro sa pag-a-adjust ng case rates para sa mga inpatient members.
Dapat aniya ang lebel ng benepisyo na natatanggap ng mga miyembro ay base sa kung gaano kalaking premium ang kanilang binabayaran.| ulat ni Nimfa Asuncion