Speaker Romualdez, kinilala sina PBBM at First Lady Liza Marcos bilang mga kapeon ng demokrasya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Marcos sa kanila aniyang maigting na paggalang sa rule of law at democratic institutions.

Kasabay ito ng selebrasyon ng ika-63 taong anibersaryo ng PHILCONSA, kung saan nagsisilbing presidente si Romualdez, ay kinilala nito ang pagiging kampeon ng demokrasya ni Pangulong Marcos Jr. at unang ginang.

Tinukoy din nito ang pagbibigay prayoridad ng dalawa sa proteksyon ng indibidwal na karapatan, pagsulong sa pagkamit ng hustisya at pagpapalakas sa democratic framework ng bansa.

“Under President Marcos’s leadership, we have seen a renewed focus on transparency, accountability, and good governance. His vision for a Bagong Pilipinas is one where the principles of our Constitution, freedom, equality, and the rule of law are not only upheld, but vigorously defended. His policies reflect a profound understanding that true democracy flourishes only when the rights and aspirations of every Filipino are respected and nurtured.” saad ni Speaker Romualdez

Kinilala din ni Romualdez ang karera ng First Lady na isang accomplished lawyer at tagapagsulong ng hustisya.

Ginugol aniya ng Unang Ginang ang pagseserbisyo sa mga Pilipino at paninindigan sa Saligang Batas.

“She has consistently demonstrated her belief in the transformative power of law, ensuring that legal processes are fair, just, and accessible to all.” sabi pa ng House Speaker.

Kaya naman isang karangalan aniya na makasama nila sa PHILCONSA ang unang ginang na nanumoa bilang isa sa bagong miyembro nito.

Iginiit din ni Romualdez na malaking bagay na kaisa nila ang First Couple sa pagsulong ng demokrasya at pagdepensa sa Konstitusyon na siyang pinaka misyon ng PHILCONSA.

“Their roles as champions of democracy and defenders of the Philippine Constitution resonate deeply with the mission of PHILCONSA, as we too are charged with the sacred duty to preserve and protect the constitutional principles that form the bedrock of our nation. As we reflect on our organization’s 63 years of unwavering commitment to safeguarding the Philippine Constitution, we find inspiration in the leadership and examples set by the First Couple.” pagtatapos ni Romualdez. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us