Special composite team ng PNP, nangangalap ng ebidensya laban sa mga nagkanlong kay Quiboloy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuo si Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil ng special composite team para tugisin ang mga nagkanlong kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon sa PNP chief, ang composite team ay binubuo ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Anti-Cybercrime Group (ACG).

Sinabi naman ni CIDG Director Police Major General Leo Francisco na nangangalap sila ng ebidensya mula sa social media posts, publications, at iba pa para matukoy ang maaring kasuhan.

Kumukuha din aniya ang team ng mga statement mula sa mga pulis na nagsilbi ng Warrant of Arrest laban kay Quiboloy, gayundin sa umano’y mga biktima ng pangmomolestiya ng pastor.

Makikipagtulungan din aniya ang team sa  Police Regional Office (PRO) 11 upang matiyak na magiging airtight ang kaso laban kay Quiboloy at sa umano’y mga tumulong dito para makapagtago sa batas.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us