Papalo sa mahigit limang milyong piso o ₱5.4-million ang halagang pinababayaran ng Social Security Sytem (SSS) sa nasa limang negosyante sa Lungsod ng Makati.
Ayon sa SSS Makati branch apektado dito ang nasa mahigit 100 empleyado.
Paliwanag pa ng ahensya sa nasabing limang milyong piso, ₱3.8-milion dito ang principal habang aabot sa ₱1.6-million ang penalty ng nasabing mga negosyo.
Kabilang sa mga ito ang mga eskwelahan, restaurants, at consultancy agencies.
Ang ginawang hakbang naman ng SSS ay bahagi ng proyekto nitong RACE o Run After Contribution Evaders o yung paghabol sa mga negosyong may mga utang na kontribusyon sa ahensya. | ulat ni Lorenz Tanjoco