SSS, kumpiyansa sa target na limang milyong bagong miyembro sa pagtatapos ng 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa ang Social Security System (SSS) na kakayanin nitong maabot ang target na apat hanggang limang milyong bagong miyembro sa pagtatapos ng 2024.

Kasunod ito ng naitalang 2.4 milyong new SSS registrants mula Enero hanggang Hulyo na katumbas ng 165% kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, on track ang ahensya na maabot ang record-setting year pagdating sa bilang ng mga bagong miyembro.

Hindi umano titigil ang SSS para mapanatili ang growth trajectory nito sa mga susunod na buwan.

“Halfway through the year, we already hit our year’s target. But SSS won’t stop there. We remain steadfast in our mission to further broaden our membership base and cover all Filipinos in the workforce,” ani Macasaet.

Kaugnay nito, inihayag rin ni Macasaet na tuloy-tuloy ang ginagawang mga istratehiya ng SSS para isulong ang kamalayan ng mas maraming Pilipino tungkol sa social security at maitanim sa kanila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng SSS membership. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us