Sunog na sumiklab sa isang residential area sa Tondo, Maynila, umabot sa Task Force Bravo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inabot hanggang sa task force bravo ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Vitas, Gagalangin, Tondo sa Lungsod ng Maynila ngayong araw.

Sinasabing nagsimulang sumiklab ang sunog bandang 11:44 ng umaga bago magtanghali pero makalipas lamang ang halos kalahating oras ay agad na inilagay sa pangunguna ni Fire Senior Inspector Ignacio sa Task Force Alpha ang sunog sa Tondo.

Ayon sa BFP NCR, kabilang na sa mga nasunog ay ang mga building 27 at 23 sa may Vitas na residential area malapit sa North Harbor sa Maynila.

Bandang 1:33 naman hapon ay itinaas na rin sa Task Force Bravo ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog dahilan upang magdatingan na rin pati ang ilang fire trucks mula sa mga kalapit na lungsod ng Maynila at tumulong na rin ang chopper ng Philippine Air Force na may dalang bambi bucket upang makatulong sa pag-apula ng apoy.

Sa ngayon wala pang impormasyon kung may mga nasaktan o nasugatan dahil sa nagaganap na sunog.

Patuloy naman ang mga residente sa lugar sa pagbabantay ng mga nabitbit nilang mga gamit, mga alagang hayop, at anumang naisalba palayo sa nangangalit na apoy.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us