Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na nananatiling may sapat na suplay ng pagkain sa bansa sa kabila ng pagtama ng magkakasunod na bagyo ngayong buwan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., walang dapat ipag-alala dahil lahat ng sektor ay nagtutulungan para magkaroon ng sapat na suplay ng agri commodities sa merkado.
Kung mayroon man aniyang kinakapos ang suplay, ito ay pansamantala lang tuwing may tumatamang bagyo.
Batay sa pinakahuling assessment ng DA, aabot na sa ₱107.42-million ang halaga ng pinsalang tinamo ng agri sector kasunod ng bagyong Ferdie, Gener, at Helen. | ulat ni Merry Ann Bastasa