Nakikipagtulungan ang Department of Transportation (DOTr) sa Estados Unidos sa pagtukoy ng mga areas of cooperation upang mapagbuti pa ang sistema ng transportasyon sa bansa.
Ito ang binigyang-diin ni Transportation Secretary Jaime Bautista kasabay ng idinaos na DOTr-US coordination meeting.
Kabilang sa mga tinalakay, ani Bautista, ay ang paghihigpit ng seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) gayundin ang modernisasyon ng mga regional airport at pantalan maging ang planong Subic-Cargo-Manila-Batangas railway.
Sa kaniyang panig, tiniyak naman ni US Ambassador to the Philippines Mary Kay Carlson ang mahigpit na suporta nito sa mga layunin ng PIlipinas sa imrastraktura at pagtibayin pa ang matatag na relasyong pang-ekonomiya ng Pilipinas at Amerika. | ulat ni Jaymark Dagala