Tiniyak ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang tuloy-tuloy na suporta ng pambansang pamahalaan sa Cordillera Administrative Region”, tungo sa makatotohanang kapayapaan at kaunlaran.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Sec. Galvez sa komemorasyon ng ika-38 Anibersaryo ng Mt. Data Sipat (Peace Accord) sa Bauko, Mountain Province noong nakaraang Biyernes.
Ang naturang kasunduan ay nilagdaan sa pagitan ng Administrasyon ng dating Pangulong Corazon Aquino at Cordillera Bodong Administration- Cordillera People’s Liberation Army (CBA-CPLA) sa pamumuno ni Fr. Conrado Balweg noong September 13, 1986.
Ito ang naging daan sa isang ceasefire agreement na tumuloy sa pagtatatag ng Cordillera Administrative Region (CAR) noong Hulyo 15, 1987, sa pamamagitan ng Executive order 220 s.1987.
Inirekomenda naman ni Galvez ang pagtatatag ng
Inter-cabinet Cluster on the Transformation of Cordillera , katulad ng ginawa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), upang matiyak ang matagumpay na implementasyon ng peace and development initiatives sa Cordillera. | ulat ni Leo Sarne