Inaasahang magtutuloy-tuloy ang balance of payment (BOP) surplus hanggang sa susunod na taon dahil sa global demands at domestic economy.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), base sa kanilang third quarter projection ang surplus ay inaasahang nasa $2.3 billion hanggang matapos ang taon, habang nasa $1.7 billion naman sa taong 2025.
Sa inilabas na statement ng BSP, ito ay dahil sa nasustine ng Pilipinas ang positibong global at domestic economic growth, patuloy na pagbaba ng inflation, at pagsabay ng Pilipinas sa world trade activity.
Ayon sa Sentral Bank, nananatiling banta sa BOP outlook ang volatility ng presyo ng mga pangunahing bilihin, extreme weather events, posibleng epekto ng MPOX sa bansa. Habang itutulak naman ito ng pag-relax ng monetary policy, suporta ng gobyerno sa trade and investment initiatives at ang patuloy na fiscal reform sa corporate tax regime. | ulat ni Melany Valdoz Reyes