‘SWEEPtember’ ng DTI, aarangkada sa Quezon City ngayong umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang mag-ikot ngayong umaga ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI), at Quezon City local government para i-monitor ang galaw ng presyo ng ilang pangunahing bilihin sa lungsod.

Bahagi ito ng kampanyang “SWEEPtember,” ng DTI na layong tiyakin ang pagkakaroon ng abot-kayang presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng mga tumamang bagyo.

Sa inisyal na impormasypn sa DTI, ilan sa sisilipim ay ang presyo sa Farmers Market at Robinsons Supermarket.

Kasama naman sa mag-iikot sina DTI Acting Secretary Ma. Cristina Roque, Assistant Secretary on Fair Trade Group Atty. Agaton Teodoro Uvero; QC Mayor Joy Belmonte, at QC BPLD Chief Margie Mejia.

Una nang ikinasa ang ‘SWEEPtember’ sa Parañaque at inaasahang magpapatuloy ito sa buong buwan ng Setyembre. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us