Target ng Kamara na pagpapatibay sa 2025 GAB ngayong araw, posible, matapos sertipikahan bilang urgent

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maisasakatuparan ng Kamara ang target nitong pagpapatibay ng ₱6.352-trillion 2025 General Appropriations Bill ngayong araw.

Ito’y kasunod ng sertipikasyon ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa panukalang Pambansang Pondo bilang urgent.

Karaniwan kasi, ang isang panukala na walang sertipikasyon ay maaari lamang aprubahan sa ikatlong pagbasa tatlong araw matapos itong aprubahan sa ikalawang pagbasa.

Ngunit dahil sa sertipikasyon, maaari nanag aprubahan ng Kamara ang House Bill 10800 sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa iisang araw.

Ngayon ang huling araw ng plenary deliberations para sa pambansang pondo kung saan sasalang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Trade and Industry (DTI), Congress of the Philippines, ilan pang executive offices, pati ang MARINA, Toll Regulatory Board, at Department of Health (DOH) na pawang mga na-defer ang deliberasyon.

Muli ring iniurong ngayong araw ang pagtalakay sa panukalang pondo ng Office of the Vice President matapos walang opisyal ang dumating nitong Martes para depensahan ang pondo sa plenaryo.

Ngayong araw din inaasahan magtatapos ang sesyon ng Kongreso. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us