Pansamantalang ipinatigil ng Department of Agriculture (DA) ang pag angkat ng domestic at wild birds mula sa bansang France.
Ipinag-utos ito ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nang iulat ng European country ang outbreak ng A vian influenza sa nasabing bansa.
Sa inilabas na Memorandum Order 40, saklaw ng import ban ang shipments ng mga buhay na manok, poultry products at by-products, kabilang ang day-old chicks at semilya.
Sinuspinde na rin ng DA ang pag-iisyu ng Bureau of Animal Industry (BAI) ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearances para sa mga shipment na nagmumula sa nasabing bansa.
Tanging mga kinatay o mga produktong naproseso bago ang Hulyo 25, 2024 ang papayagang makapasok sa Pilipinas.
Inatasan din ang Veterinary Quarantine Offices na kumpiskahin ang mga shipment ng mga nasabing produkto maliban sa mga heat-treated. | ulat ni Rey Ferrer