Aabot sa 20 miyembro ng grupong MANIBELA ang lumahok sa ikinasang tigil-pasada kasama ang grupong PISTON.
8AM ng umaga nang magsimula ang programa sa bahagi ng Pasig-Palengke bilang pagtutol sa pag-arangkada ng PUV Modernization Program.
Hindi naman nakasama sa programa ang mga miyembro ng PISTON dahil nangangalap pa sila ng mga lalahok.
Sa kabila naman ng tigil-pasada ng MANIBELA sa Pasig, hindi naman naparalisa ang biyahe partikular na ang rutang Pasig-Quiapo dahil sa dami ng mga pumapasadang jeepney.
Samantala, ipinabatid naman ng Pasig Traffic na wala silang na monitor na stranded na pasahero.
Kung nagkaroon man ng pag iipon ng mga pasahero ito ay dahil Lunes kasi ngayon at maraming mga mangagagawa ang papasok sa trabaho at marami ring estudyante ang papasok ng eskuwela. | ulat ni Jaymark Dagala