TikTok video ng umano’y educational assistance sa lahat ng mag-aaral, fake news — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang katotohanan ang TikTok video kaugnay ng umano’y educational assistance na ilalaan nito sa lahat ng mga mag-aaral sa bansa.

Pinakakalat ito ng isang TikTok page na may username na DSWD News Update.

Giit ng DSWD na wala pang tiyak na detalye kung kailan magsisimula ang educational assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS program ng DSWD.

Maging ang programa nitong Tara, Basa Tutoring Program ay gumagamit aniya ng Cash-for-Work (CFW) intervention na para sa mga pamilyang may mabababang kita na nasa mahirap na kalagayan.

Kaugnay nito, hinikayat ng DSWD ang publiko na i-report ang page na ito (https://www.tiktok.com/@dswdnewsupdate?_t=8pSlpcXtYNY&_r=1) sa TikTok dahil ito ay nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa programa at serbisyo ng Kagawaran pati na rin sa ibang ahensya.

Nanawagan din ito sa netizens na maging maingat at huwag magpalinlang sa mga post tulad nito upang hindi mabiktima ng scam. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us