Top employers ng SSS, kinilala sa 2024 Balikat ng Bayan Awards

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang pagkilala ngayon ng Social Security System (SSS) ang ilan sa mga indibidwal at organisasyong may natatanging kontribusyon sa pagtutulak ng social security protection sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Ito ay sa pamamagitan ng Balikat ng Bayan Awards na bahagi ng ika-67 anibersaryo ng SSS.

Sa taong ito, kasama sa binigyang parangal ang dalawang nangungunang employer na napili batay sa kanilang compliance sa probisyon ng Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018.

Ayon kay SSS President at CEO Rolando Macasaet, ang mga kumpanyang ito ay tumutulong sa kanilang mga miyembro na regular na makapag-remit ng kontribusyon at mapakinabangan ang kanilang benepisyo.

Kabilang sa awardees ang: BDO Unibank, Inc. para sa Large Accounts category at Nutrifresh Chicken Trading Corporation sa Branch Accounts category.

Kinilala naman bilang Best Collection Partners ang:

• Union Bank of the Philippines – Universal Bank category
• Robinsons Bank Corporation – Commercial Bank category
• Bank One Savings Corporation – Thrift/Rural Bank category
• CIS Bayad Center, Inc. – Non-Bank category

• Ventaja International Corporation – Overseas Partner category

Maging ang agent partners na katuwang nito sa pagpapalaganap ng programa ay binigyang pugay rin.

Ayon naman kay SSS President at CEO Rolando Macasaet, nananatiling on target ang SSS na maabot ang nasa apat na milyong bagong miyembro na may kalakip na dagdag ding ₱2-3 billion kontribusyon sa pagtatapos ng 2024. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us