Trabaho sa ilang mga korte sa Luzon, kanselado na rin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso na ang Supreme Court sa publiko na sarado ngayong araw ang pasok sa ilang korte sa Luzon.

Sa abiso ng Korte Suprema, suspendido ang trabaho sa lahat ng Municipal at Regional Trial Court sa Santiago City, Isabela dahil sa masungit na panahon.

Wala ring pasok ang mga empleyado ng lahat ng korte sa buong lalawigan ng La Union bunsod ng bagyong Enteng.

Sa Ilocos Sur, sinuspinde na rin ang trabaho ng mga empleyado ng lahat ng Municipal at Regional Trial Court.

Hindi na rin pinapasok ang mga empleyado ng korte sa lalawigan ng Bataan dahil sa walang humpay na ulan.

Pinapayuhan ang mga letigants na isumite sa pamamagitan ng email o online ang kanilang mga pleadings na deadline ngayong araw. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us