Tuloy pa rin ang trabaho sa Kamara sa kabila ng anunsyo ng Ehekutibo na suspendido na ang pasok sa mga government offices.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, minabuti na nilang ituloy ang trabaho lalo na at gumugulong ang pagtalakay sa panukalang buget para sa susunod na taon.
Ngayong araw, ang Department of Education (DepEd), sa pangunguna ng bagong kalihin na si Secretary Sonny Angara, ang sasalang sa House Committee on Appropriations.
Nasa ₱745-bilyong mahigit ang panukalang pondo ng DepEd sa susunod na taon.
Sinabi pa ni Sec. Gen. Velasco na mahirap nang magsuspinde ng pasok ngayon upang hindi masira ang schedule ng Budget hearing lalo na at September 25 inaasahang magsasara ang sesyon ng Kongreso.
Batay sa pinakahuling schedule ng Appropriations Committee ang huling budget deliberation sa committee level ay sa September 10 para sa Office of the Vice President. | ulat ni Kathleen Jean Forbes