Nag-abiso na ang Valenzuela City local government na wala nang pasok ang mga tanggapan ng City Hall ngayong Lunes, September 2, 2024.
Ito ay bilang precautionary measure bunsod ng walang tigil na pag-ulan.
Exempted naman sa work suspension ang mga tanggapan ng LGU na may kaugnayan sa emergency response.
Ipinauubaya rin sa management ng mga kumpanya ang pagsususpinde ng trabaho sa pribadong sektor. | ulat ni Merry Ann Bastasa