Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglalagay ng kanilang Traffic Management Satellite Office sa lahat ng mall sa Metro Manila.
Ito’y upang lalo pang mapabilis ang paghahatid ng kanilang serbisyo sa mga motorista saan mang panig sila ng Metro Manila naroon.
Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, nakikipag-ugnayan na sila sa mga mall owner para rito.
Sinabi ni Artes, maaaring dito ayusin ng mga motorista ang kanilang mga violation ticket na ibinigay ng MMDA at ng mga Lokal na Pamahalaan.
Magugunitang kahapon, lumagda ang MMDA at Robinson’s Land Corporation ng isang Memorandum of Agreement para maglagay ng Satellite Office nito sa Robinson’s Galleria sa Quezon City. | ulat ni Jaymark Dagala