Upang mahubog ang mga kabataan sa larangan ng palakasan o sports, nagsanib-pwersa ang Department of Education (DepEd) at Rebisco Food Group of Companies para mapalakas ang grassroots volleyball development sa mga paaralan.
Tampok sa programang ito ang pagsagawa ng mga training program at volleyball clinic sa pangunguna ng mga miyembro ng Creamline Cool Smashers.
Sa paglagda ng Memorandum of Agreement, pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang ceremonial volleyball toss kasama ang mga volleyball players, na sina Michelle Gumabao, Tots Carlos, at Kyle Negrito.
Ayon kay Angara, ang pakikipagtulungang ito ay isang magandang halimbawa ng bayanihan at pagtutulungan ng mga Pilipino pagdating sa edukasyon at sports.
Bukod sa mga training program at volleyball clinic, magbibigay din ang Creamline ng mga volleyball kit, tutorial video, at learning camp sa mga paaralan.
Layon ng programa na mahasa ang kakayahan ng mga batang atleta at coach sa volleyball, at makatuklas ng mga susunod na volleyball superstar sa bansa. | ulat ni Diane Lear
Photo: DepEd