Nagsawa ng pagsasanay ang Department of Social Welfare and Development sa Eastern Visayas para sa mga Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDs) at mga tatay na parolado.
Tinawag nila itong Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training (ERPAT).
Ang aktibidad ay bilang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng isang ama, at parte na rin ng Family Week celebration ng DSWD FO-Eastern Visayas.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao,nilalayon ng ERPAT na mapalakas at mabigyan ng kakayahan ang pagiging magulang ng isang ama.
Matutulungan sila na maging aktibo sa kanilang komunidad na nagpapakita ng kahalagahan at pagiging responsable sa pagkakaroon ng masayang pamilya.
Sa pamamagitan ng modules, ang RPWUDs at mga nakalaya na sa piitan ay mabigyan ng oportunidad na makapagsimulang muli sa kanilang buhay at maipakita ang pagiging responsable sa kanyang pamilya. | ulat ni Rey Ferrer