Transmission lines ng NGCP, nananatiling normal sa kabila ng mga pag-ulang dala ng bagyong Enteng

Facebook
Twitter
LinkedIn

Wala pang naitalang pinsala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa transmission lines at mga pasilidad nito sa bansa.

Ito ay sa kabila ng mga pag-ulang dulot ng bagyong Enteng.

As of 9am, wala pang natatanggap na ulat ang NGCP na may naitalang pinsala sa kanilang mga pasilidad.

Gayunman, nananatiling nakaalerto ng kumpanya hangga’t nananatili pa sa loob ng bansa ang bagyong Enteng.

Una nang tiniyak ng NGCP na nakalatag na ang precautionary measures nito bilang paghahanda sa pagtama ng kalamidad sa kanilang transmission facilities. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us