Binigyang-diin ni House Minority leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan na dapat pairalin ang accountability at transparency sa paggastos ng pondo ng bayan.
Ginawa ni Libanan ang pahayag kasunod ng pagpasa ng House 10800 o 2025 General Appropriations Bill sa plenaryo.
Nakakabahala aniya ang hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte at kanyang mga representative sa committee at plenary deliberations para depensehan ang ₱2.037 billion na panukalang budget sa susunod na taon.
Ang hindi pagsagot ng OVP sa maraming katanungan sa kanilang budget, aniya ay pagsasawalang-bahala sa tiwala ng publiko at legislative process. | ulat ni Melany Valdoz Reyes