Transparency sa procurement process, tinalakay sa Suppliers’ Summit ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang pagnanais nitong maitaguyod ang transparency ng bidding process sa gobyerno.

Ito ang mensahe ng kalihim sa ginanap ang Suppliers’ Summit for Manufacturers sa DSWD Central Office Auditorium sa Quezon City.

Ayon kay Sec. Gatchalian, alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para masiguro ang maayos na paggugol ng pondo ng bayan.

Inorganisa ng DSWD ang Suppliers’ Summit para ipakita ang mga bagong kaalaman hinggil sa procurement guidelines at issuances, gayundin ang pagpapakilala sa iba pang pagbabago na may kinalaman sa technical specifications ng products and services na kabilang sa procurement process.

Samantala, kabilang sa mga tinalakay ay ang technical specifications para sa DSWD relief food items, non-food items, at iba pang may kaugnayan sa supplies and equipment, kasama na rito ang pangkalahatang proseso ng bidding at framework agreement ng DSWD. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸: DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us