Walang epekto ang tigil-pasada ng ilang transport group sa transport operation ng Lungsod ng Pasay.
Ayon sa Pasay LGU, kahit noon pa ay hindi nakaapekto sa kanilang lungsod ang ginagawang strike ng ilang mga tsuper dahil maliit na porsyento lamang ng mga tsuper sa Pasay ang miyembro ng Manibela at Piston.
Pero sa kabila nito ay nilinaw ng Pasay LGU na naka-standby ang kanilang libreng sakay sakali mang kailangan nilang tumulong sa mga commuter.
Dagdag pa ng lokal na pamahalaan, malinaw ang direktiba ng
alkalde ng lungsod na si Emi Calixto-Rubiano na nakahanda ang lahat ng vehicle asset ng Pamahalaang Lungsod para umalalay o magbigay ng libreng sakay kung ito ay kinakailangan. | ulat ni Lorenz Tanjoco