Umangat na ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa gitna ng patuloy na pag-ulan ngayong araw.
Hanggang alas-3 ngayong hapon nasa 80.03 meters na ang antas ng tubig sa dam mula sa 79.51 meters kaninang alas-8 ng umaga.
Inaasahang mag-over flow ang tubig sa dam sa sandaling maabot nito ang 80.15 meters kapag patuloy pa ang pag-uulan.
Maaapektuhan nito ang mga low lying area sa kahabaan ng Tullahan River mula sa Fairview, Forest Hills Subd., Quirino Highway, Sta. Quiteria, San Bartolome sa Quezon City, North Expressway, La Huerta Subd., sa Valenzuela City at Malabon City.
Naabisuhan na rin ang mga residente sa tabi ng ilog na maging alerto.
Sa ngayon nakataas pa rin sa Orange Rainfall Warning ang Metro Manil, at nagbabanta ang matinding pag-ulan, pagbaha at pagguho ng lupa. | ulat ni Rey Ferrer