Nanindigan ang labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa kanilang kahilingan na dagdag sahod na P150 pataas para sa mga manggagawa.
Nananawagan ang TUCP sa Kongreso na ipasa na ang panukalang batas na P150 na umento sa arawang sahod ng lahat ng manggagawa sa pribadong sektor.
Anila, hindi na sapat ang kinikita ng mga manggagawa lalupa’t nagtataasan ang presyo ng mga bilihin.
Higit tatlong dekada na umanong tumatanggap ng barya-baryang umento ang mga ito sa ilalim ng Regional Wage Boards na nagbaon na sa kanila sa kahirapan.
Kaugnay nito, pinag-iigting na ng TUCP ang pangangalap ng lagda para sa petisyon na isusumite sa Kongreso para sa kanilang kahilingan.| ulat ni Rey Ferrer