Kinilala ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang malaking tulong ng bagong programa ng pamahalaan na ‘Tulong Eskwela Program’ na layong magbigay ng ayuda sa mga magulang ng senior high school students upang mabisan ang pinansyal nilang pasananin.
Binigyang diin ni Garin ang tagline ng programa na “AKAPin ang mag-aaral, TUPAD ang pangarap,” kung saan ang pamahalaan abiya, sa pamumuno ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. katuwang si Speaker Martin Romualdez ay tinutugunan ang mga hamong kinahaharao ng mga SHS students ay kanilang mga magulang.
Maliban kasi aniya sa tulong pinansyal ay may employment opportunities na handog ang programa.
“‘Yung mga magulang or guardians or even ‘yung working students ng senior high school ay nagkakaroon ng biyaya. ‘Yung mga maglilinis ng school premises, gagawa ng garden, ide-decongest ‘yung mga drainage sa paligid ng mga schools ay magkakaroon ng TUPAD program,” saad ng Iloilo First District Representative.
Pinayuhan naman ng mambabatas ang mga mag aaral na gawin din ang kanilang parte at mag aral ng mabuti.
Sabayang inilunsad ang progeama sa 220 lugar sa buong bansa jung saan may 1.32 milyong magulang ang nakabenipisyo.
“Hindi ito simpleng ayuda lang, ito ay isang tulay na ginawa ni Pangulong Bongbong Marcos at Speaker Martin Romualdez, tulay ng tulong para sa mga magulang at SHS students, tungo sa kanilang mas progresibong kinabukasan,” ani Garin. | ulat ni Kathleen Forbes