Umabot na sa halos P250 milyon ang tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang tinamaan ng bagyong ‘Enteng’ at Habagat.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, nakapaglabas na ng 587,952 family food packs ang ahensya para sa mga benepisyaryo.
Pinakamaraming food packs na pinadala ay sa Bicol Region sunod ang Central Luzon, CALABARZON, National Capital Region, Eastern Visayas at sa apat pang rehiyon sa bansa.
Pagtiyak pa ng DSWD, patuloy ang pakikipag ugnayan sa local government units para matulungan ang mga apektadong mamamayan. | ulat ni Rey Ferrer