Muling pinaghahanda ang mga residente ng Marikina City sa posibleng paglikas.
Ito’y makaraang tumaas muli ang lebel ng tubig sa ilog bunsod ng naranasang pag-ulan sa nakalipas na magdamag dahilan upang itaas ang unang alarma.
Batay sa 5am update ng Marikina City Rescue 161, pumalo sa 15.4 meters ang lebel ng tubig sa naturang ilog
Pero ala-1 pa lamang ng madaling araw kanina nang sumampa sa 15 meters ang lebel ng tubig kaya’t agad nagsagawa ng pag-iikot ang mga tauhan ng Marikina CDRRMO para bigyang babala ang mga residente
Patuloy na nakararanas ng mahina hanggang sa kung minsan ay may kalakasang ulan sa lungsod. | ulat ni Jaymark Dagala