Hindi naramdaman ng mga commuter sa Quezon City ang unang araw ng transport strike ng grupong MANIBELA at PISTON kahapon.
Ayon kay QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) Chief Dexter Cardenas, walang naging epekto ang strike dahil normal ang naging pasada ng karamihan ng mga jeep sa mga pangunahing kalsada sa QC.
Marami din aniyang bumiyaheng mga modernized jeep sa mga ruta ng mga nag-strike at kakaunti lang ang sumali sa protesta.
Bukod pa rito ang tuloy-tuloy na libreng sakay program ng QC government kung saan 90 bus ang naka-deploy.
Sinang-ayunan din ng ilang mga pasahero na hindi nila naramdaman ang strike.
Ayon sa ilang commuter na nakapanayam ng RP1 team, hindi naman sila nahirapang sumakay kahapon kahit na may tigil-pasada.
Kaugnay nito, nananatiling normal ang pasada ng mga pampasaherong jeep sa bahagi ng Philcoa sa Quezon City ngayong umaga.
Ito’y sa kabila ng ikalawang araw na pag-arangkada ng transport strike ng grupong PISTON at MANIBELA. | ulat ni Merry Ann Bastasa