Nais pagpaliwanagin ng mambabatas ang University of the Philippines kaugnay sa delay ng kanilang pag aksyon upang maitatag ang Human Rights Freedom Memorial sa UP Complex.
Sa interpellation ni Gabriela Party-list Representative Arlene Brosas, sinabi nito na matagal nang delayed ang pagtatayo ng museum.
Sa budget deliberation ng Commission on Human Rights, nagpaliwanag si Human Rights Violations Victims Memorial Commission Executive Director Carmelo Victor Crisanto, na umaabot na sa 20 buwan ang delay ng UP.
Kailangan aniya na malagdaan ng UP ang turn over document upang mailaan sa kanila ang budget mula sa Bureau of Treasury, upang maipatayo ang gusali at landscaping ng museum.
Samantala, sinabi naman ni Baguio Representative Mark Go, na kakausapin niya si UP President Angelo Jimenez kaugnay sa delay ng pagpapatayo ng freedom museum. | ulat ni Melany Valdoz Reyes