Valenzuela court, pumayag na dumalo si dating Mayor Alice Guo sa pagdinig ng Senado bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagbigyan ng Valenzuela Regional Trial Court Branch 282 ang hiling ni Senate Committee on Women Chairperson Risa Hontiveros na paharapin si dating Bamban Mayor Alice Guo sa pagdinig ng kanyang komite bukas tungkol sa operasyon ng mga iligal na POGO.

Sa kautusang inilabas ng Valenzuela court, inatasan ni Judge Elena Amano ang Pambansang Pulisya na dalhin si Guo sa Senado bukas ng alas-9 ng umaga at ang pagpapatupad ng mahigpit na security protocol para kay Guo.

Napunta sa sala ni Judge Amano ang dalawang graft cases ng dating alkalde na orihinal na isinampa sa Capas, Tarlac RTC.

Ipinalipat ang kaso matapos makwestyon ang hurisdiksyon ng Capas court dahil nasa lalawigan ito kung saan dating alkalde si Guo. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us