Sa harap ng maigting na kampanya ng pamahalaan kontra fake news sa pangunguna ng Presidential Communications Office (PCO), isang video ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa isang pagtitipon ang muling binigyan ng masamang kulay ng mga naghahasik ng disinformation.
Naging subject ng mga nasa likod ng patuloy na nagpapakalat ng maling impormasyon ang video ng isang indibidwal na may iniabot sa Presidente na sadyang naka-blur, dahilan para magdulot tuloy ng iba’t ibang haka-haka.
Sinabi ng PCO na ang ganitong uri ng content ay walang ibang nilalayon kundi magpalaganap ng maling naratibo.
Sa Maging Mapanuri Facebook page ay inilantad nito ang tunay na kuwento sa video na aniya’y pag- abot lang ng lapel pin na may simbolo ng kanilang politikal na partido.
Kaya paghikayat ng PCO sa publiko, mag-isip, magsaliksik, alamin ang buong kwento, obserbahan ang mga detalye, at huwag magpaloko sa fake news. | ulat ni Alvin Baltazar