Tuloy-tuloy pa rin ang pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pribadong sektor para sa pagpapalawak ng mga programa nito sa vulnerable sector.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, kasama sa bagong niluluto ngayon ng ahensya ang Walang Gutom Kitchen.
Isa itong soup kitchen na ilalaan para sa mga mahihirap at mga nasa marginalized sector.
Ayon sa kalihim, target nitong simulan ang programa bago matapos ang taon.
Kasama naman sa target na maka-partner dito ng DSWD ang ilang malalaking kumpanya kabilang ang isang sikat na fastfood chain. | ulat ni Merry Ann Bastasa