Matagumpay na naisagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Walang Gutom Program (WGP), ang kauna-unahang food redemption sa San Guillermo, Isabela.
Ang nasabing programa ay patuloy na nagsusumikap na tuparin ang layunin nitong labanan ang gutom.
Gayundin itinataguyod ang seguridad sa pagkain para matiyak na may sapat na pagkain ang bawat sambahayan na kabilang sa programa.
Ang Walang Gutom Program ay isa sa mga bagong Flagship Program ng DSWD para sa mga mababa ang kita at gawin silang produktibong mamamayan ng bansa.
Sa pamamagitan ng isang Whole-Of-Nation Approach, ang programa ay nagbibigay ng Monetary-Based na tulong sa anyo ng Electronic Benefit Transfer (EBT) Card.
Lalagyan ito ng food credits na nagkakahalaga ng P3,000 para makabili ng piling listahan ng mga food commodities mula sa kasosyong merchant stores. | ulat ni Rey Ferrer