Sumiklab ang sunog sa isang warehouse sa bahagi ng E. Dela Paz st. Brgy. Sta. Elena sa Marikina City ngayong umaga.
Ito’y sa kabila ng nararanasang pag-ulan at pagbugso ng hanging dala ng hanging Habagat na pinaigting pa ng bagyong Enteng.
Batay sa inisiyal na ulat ng Marikina BFP, nagsimula ang sunog dakong mag-aalas 8 ng umaga at agad itong itinaas sa unang alarma.
Pahirapan ang pag-apula sa apoy dahil kailangang gamitan ng metal cutter ang tarangkahan ng naturang warehouse.
Nabatid na imbakan ng mga suwelas at iba pang materyales sa paggawa ng sapatos ang nasunog.
Patuloy ang ginagawang pag-apula ng mga miyembro ng BFP gayundin ay inaalam pa ang pinagmulan at halaga ng pinsalang iniwan nito. | ulat ni Jaymark Dagala