Sa layong mapabilis ang responde sa panahon ng kalamidad, inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Capital Region (NCR) ang Project RESOLVE o Response Engine for Systematic Operationalization of Logistics and Volunteers in Emergencies.
Pinangunahan nina DSWD-NCR Regional Director Michael Joseph Lorico, at Navotas Mayor Johnrey Tiangco ang paglulunsad ng web-based app na magagamit tuwing may kalamidad at sakuna gayundin ang paglagda sa Memorandum of Understanding.
Sa ilalim ng proyekto, bubuo ng isang centralized digital system para mapabilis at gawing mas epektibo ang mga operasyon ng DSWD sa pagtugon sa mga sakuna.
Sa pamamagitan nito, matutulungan ang mga LGU sa epektibong disaster management.
Inaasahang mapapabuti nito ang pagtugon sa mga sakuna sa NCR, na magtitiyak ng kaligtasan ng komunidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa