Opisyal nang nahati sa anim, ang Barangay 176 – Bagong Silang sa Caloocan City.
Sa katatapos na plebisito kahapon, nangibabaw ang “Yes” vote na may 22,854 bumoto habang 2,584 ang “No” vote.
Ayon kay Plebisite Board Canvassers Chairperson Atty Ma. Anne Gonzales, magiging opisyal na ang pagtatatag ng Barangay 176-A, Barangay 176-B, Barangay 176-C, Barangay 176-D, Barangay 176-E at Barangay 176-F.
Naging matahimik sa kabuuan ang botohan sa maghapon at walang nangyaring aberya.
Ang Barangay 176- Bagong Silang ay may 261,729 populasyon na pinakamalaki sa buong bansa.| ulat ni Rey Ferrer