Mariing pinabulaanan ng Young Guns ng Kamara na ipinapakalat na balitang may nilulutong impeachment laban sa Bise Presidente.
Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, hindi ito totoo.
Tugon pa ni 1Rider party-list Rep. Rodge Gutierrez, naririnig niya lang ang usapin ng impeachment mula mismo sa Pangalawang Pangulo at hindi sa kung sino mang mambabatas sa loob ng Kongreso
Pinabulaanan din ng mga mambabatas na aalisan ng pondo ang tanggapan ng Pangalawang Pangulo.
Ayon kina Tingog party-list Rep. Jude Acidre at La Union Rep. Paolo Ortega, susuportahan nila ang pagbibigay ng pondo sa OVP upang maayos nitong magagampanan ang kaniyang mandato.
“I would support any moves to ensure that the Office of the Vice president is given the funds needed to carry out its constitutional mandate. Anything that is more than that I will leave to the wisdom of my colleagues.” Ani Acidre.
“Pareha ni Cong Jude, dapat po iyong maiiwan or yung ibibigay na budget sa Office of the Vice President is still responsive sa mandato po niya.” wika ni Ortega. | ulat ni Kathleen Forbes