Inihayag ni Speaker Martin Romualdez ang buong suporta sa inisyatiba ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng zero billing para malibre ang serbisyong medikal sa 22 pampublikong ospital sa bansa.
Inilunsad ang programa kasabay ng ika-67 kaarawan ni PBBM. Sinabi ni Romualdez na pagsasakatuparan ito ng mithiin ni PBBM para sa isang epektibong universal healthcare.
“The zero-billing program is a clear demonstration of the President’s unwavering commitment to the Filipino people, ensuring that no one is left behind in receiving the medical care they need. By covering all inpatient, outpatient, and emergency services in 22 public hospitals across the country, the President is turning his vision of universal healthcare into reality,” aniya.
Naglaan ang DOH ng P328 million para sagutin hindi lang ang hospital bills ngunit pati gamot chemotherapy, dialysis, dental services, at laboratory procedures.
Ayon sa House Speaker, ipinakapita nito na tunay na may malasakit ang administrasyon lalo na sa kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino.
“Whether it’s dialysis, chemotherapy, or emergency treatment, the government is stepping up to provide real, tangible relief to our people…This is the kind of leadership we need—decisive action that directly benefits the people. I stand firmly with President Marcos in this endeavor and pledge my full support in ensuring healthcare remains a top priority for our government,” saad pa niya.| ulat ni Kathleen Forbes