Sinalakay ng mga operatiba ng PNP- Criminal Investgation Unit ang United Metro Gaz Inc sa Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Aabot sa ₱10 milyon na halaga ng ilegal na refilled LPG cylinders ang nasamsam at tatlo katao ang naaresto ng pulisya.
Ayon kay CIDG Director PMGen. Leo Francisco, isinagawa ang operasyon sa ilalim ng Oplan LIGAS sa bisa ng search warrant na inisyu ni Calamba City RTC Judge Glenda Mendiza-Ramos.
Batay sa ulat, sangkot sa illegal LPG activities ang kumpanya na paglabag sa Republic Act No. 11592, na mas kilala bilang LPG Industry Regulation Act.
Kasama ding nakumpiska ang mga illegally refilled LPG cylinder, kabilang ang mga selyo, mga hose, refilling tools, at sales documents at cash na ₱1,281.00. | ulat ni Rey Ferrer