Aabot sa mahigit ₱27-milyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG).
Ito’y ayon kay PDEG Director, Police Brig. Gen. Eleazar Matta kasunod ng ikinasa nilang operasyon sa isang subdibisyon sa Brgy. Buhay na Tubig sa Imus City, Cavite kagabi.
Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng isang High Value Target na mula sa Cotabato City na nakatira sa bahay kung saan isinagawa ang pagsalakay ng mga awtoridad.
Nasamsam dito ang aabot sa apat na kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱20.7-milyong piso gayundin ang iba pang ebidensya.
Nasa kustodiya na ng Imus City Police Station ang naturang High Value Individual habang inihahanda na ang kasong isasampa laban dito. | ulat ni Jaymark Dagala