Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, inabswelto ng Sandiganbayan sa ₱172-M plunder case

Pinawalang-sala ng Sandiganbayan si Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile mula sa kasong plunder na isinampa sa kanya noon pang 2014 dahil sa kontrobersyal na Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam. Inilabas ng Sandiganbayan 3rd Division ang hatol ngayong araw, makalipas ang higit 10 taong paglilitis sa kaso. Abswelto rin sa… Continue reading Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, inabswelto ng Sandiganbayan sa ₱172-M plunder case

Pagpapatatag sa presyo ng mga pangunahing bilihin, prayoridad ng pamahalaan

Nananatili ang pangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na patatagin ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa. Ito’y ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA) makaraang maitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 1.9 percent na inflation rate nitong Setyembre. Ayon sa NEDA, ito na ang pinakamabagal na inflation na… Continue reading Pagpapatatag sa presyo ng mga pangunahing bilihin, prayoridad ng pamahalaan

Special Investigation Task Group, binuo ng PRO-3 kasunod ng pagpatay sa Bulacan Board Member at Liga ng mga Barangay president

Ipinag-utos na ni Police Regional Office-3 Regional Director, Police Brig. Gen. Redrico Maranan ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) na tututok sa kaso ng pagpatay kay Association of Barangay Captains (ABC) President Ramilito Capistrano at kanyang driver. Kagabi, pinagbabaril ang mga biktima ng hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. Krus na Ligas sa… Continue reading Special Investigation Task Group, binuo ng PRO-3 kasunod ng pagpatay sa Bulacan Board Member at Liga ng mga Barangay president

Evacuees ng bagyong Julian, binigyan ng pyschological aid ng DSWD

Bukod sa pamamahagi ng family food packs, nagbigay na rin ng psychological first aid ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 2-Cagayan Valley sa mga pamilyang nasa evacuation centers makaraang maapektuhan ng bagyong Julian. Ayon kay DSWD Co-Spokesperson Assistant Secretary Juan Carlo Marquez, kasama ito sa papel ng Camp Coordination and Camp… Continue reading Evacuees ng bagyong Julian, binigyan ng pyschological aid ng DSWD

September inflation, bumagal sa 1.9% — PSA

Muling bumagal ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa buwan ng Setyembre. Sa ulat ni Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 1.9% ang September inflation mula sa 3.3% ang inflation noong Agosto. Ang average inflation na rin sa bansa mula Enero… Continue reading September inflation, bumagal sa 1.9% — PSA

NTC, hinikayat ni Sen. Sherwin Gatchalian na maging mahigpit sa isyu ng SIM registration

Pinahihigpitan pa ni Senador Sherwin Gatchalian sa National Telecommunications Commission (NTC) ang pangangasiwa sa mga telecommunication provider kaugnay ng pagpapatupad ng SIM Registration Law. Ito ay sa gitna ng patuloy na mga mapanlinlang na paggamit ng mga cybercriminal ng mga SIM, gaya ng ginagawa ng mga nasa industriya ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa… Continue reading NTC, hinikayat ni Sen. Sherwin Gatchalian na maging mahigpit sa isyu ng SIM registration

Promulgation sa plunder case ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, tuloy na ngayong araw

Tuloy na ngayong araw ang pagpapalabas ng hatol ng Sandiganbayan 3rd Division ukol sa plunder case na inihain laban kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile. Pasado alas-8 ng umaga nang magkakasunod na pumasok sa back entrance ng Sandiganbayan sina Enrile at ang kanyang dating Chief-of-Staff na si Gigi Reyes. Mahigpit ang seguridad na… Continue reading Promulgation sa plunder case ni Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, tuloy na ngayong araw

SSS Pres. Rolando Macasaet, nagbitiw na sa pwesto; tinanggap ang nominasyon sa SSS-GSIS Pensyonado Party-list

Nagsumite na ng kanyang irrevocable resignation kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet. Ito’y matapos na pormal na tanggapin ni Macasaet ang pagiging nominee sa SSS-GSIS Pensyonado Party-list. Sa liham nito kay Pangulong Marcos na isinumite kahapon, October 3, tinukoy ni Macasaet ang… Continue reading SSS Pres. Rolando Macasaet, nagbitiw na sa pwesto; tinanggap ang nominasyon sa SSS-GSIS Pensyonado Party-list

Pagtanggal ng transaction fees sa ilang digital payment, suportado ni SP Chiz Escudero

Sang-ayon si Senate President Chiz Escudero sa hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na alisin ang transaction fee sa mga personal na transaksyon at bayad sa mga micro, small and medium enterprises (MSMEs). Sinabi ni Escudero na bagamat binabalewala lang ng ilan ang transaction fee sa bawat fund transfer, kung susumahin aniya ay malaking… Continue reading Pagtanggal ng transaction fees sa ilang digital payment, suportado ni SP Chiz Escudero

Miru Systems siniguro na di makakaapekto ang pag-withdraw ng St. Timothy Construction Corp. sa automated election system sa 2025

Tiniyak ng Miru Systems sa publiko na ang pag-alis ng St. Timothy Construction Corporation (STCC) mula sa kanilang joint venture ay hindi makakaapekto sa kanilang pangako na maghatid ng mas mahusay na automated election system para sa 2025 National at Local Elections. Ayon sa Miru, bagama’t tumulong ang STCC sa pagsunod sa mga itinakdang regulasyon,… Continue reading Miru Systems siniguro na di makakaapekto ang pag-withdraw ng St. Timothy Construction Corp. sa automated election system sa 2025