1.9% inflation rate, ikinatuwa ng Finance Department

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Department of Finance (DOF) ang 1.9 percent September Inflation, pinakamamaba sa loob ng apat na taon.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, isa itong napakagandang balita para sa mga Pilipino dahil patuloy na bumababa ang presyo ng mga bilihin sa bansa.

Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng natamong headline inflation rate sa nakalipas na Setyembre na 1.9 percent, kung saan hinigitan pa nito ang inflation outlook ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 2% to 2.9%.

Dahil sa inflation outturn, inaasahang papalo sa tinatayang 3.2 percent ang full year inflation rate, oportunidad para sa Sentral Bank na muling magbawas ng monetary policy rate.

Ang mababang September Inflation ay bunsod ng mababang presyo ng pagkain partikular ng bigas—resulta ng pagpapatupad ng Marcos Jr. administration ng Executive Order 62 ‘tariff reduction on imported rice.’ | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us