Inanunsyo ni Commission on Elections (COMELEC) Chair George Garcia na opisyal nang makaboboto ang mga residente ng 10 barangay sa Taguig ng kanilang district representatives sa 2025 midterm elections.
Ayon kay Chair Garcia, pinagtibay nila ang concurrent Resolution No. 26 ng Kamara at Senado na isama ang 10 enlisted EMBO barangays mula Makati City sa legislative district ng Taguig.
Sinabi ni Garcia na ito ay upang maiwasan ang disenfranchisement at bigyan ng pagkakataon ang mahigit na 200,000 na registered EMBO voters na pumili ng kanilang representate sa Kamara.
Base sa resolusyon, ang tatlong barangay ay boboto sa 1st district habang ang pito ay sa 2nd district ng Taguig.
Sakop ng First Legislative and Councilor District, ang Comembo, Pembo, at Rizal, habang Second Legislative and Councilor District naman ang Cembo, South Cembo, East Cembo, Pitogo, Post Proper Northside, at Post Proper South side. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes