Naibalik na ng First Catanduanes Electric Cooperative (FICELCO) ang 100% na suplay ng kuryente sa buong Lalawigan ng Catanduanes.
Ayon sa huling ulat ng FICELCO, naisaayos na nila ngayong araw, Oktubre 31, ang mga linya nilang naapektuhan ng bagyong Kristine.
Sa kabuuan ay aabot ito sa 60,589 na mga tahanan ang muling napailawan.
Sa huli ay nagpaabot ng pasasalamat ang kooperatiba sa kanilang mga konsyumer para sa naging pag-unawa at matiyagang paghihintay ng mga ito na matapos ang kanilang restoration activities. | ulat ni Juriz Dela Rosa, Radyo Pilipinas Virac